
Nakaantabay ang Philippine Embassy sa Myanmar ang ginagawang search and rescue operations sa gumuhong Sky Villa building kung saan may naiulat na Pilipino.
Ayon sa embahada, international rescue teams ang kasalukayang nagsasagawa ng search and rescue operations sa gumuhong gusali.
Tiniyak ng Philippine Embassy na nakatutok sila sa Mandalay na kabilang sa mga matinding tinamaan ng lindol.
Mula sa 128 na rehistradong Pilipino sa Mandalay, 121 na ang nakumpirmang ligtas.
Patuloy naman na nakaantabay ang embahada sa apat na nawawalang mga Pinoy.
Bukod dito, tatlong iba pang mga Pinoy ang patuloy na kinukumpirma ng Philippine Embassy naman ang kalagayan.
Nakikipagpulong na rin ang Embahada sa mga ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas para sa mga gagawing hakbang sa mga apektadong Pilipino sa Myanmar.
Pinapayuhan din ang mga Pilipino sa Myanmar na manatiling nakaalerto sa aftershocks.