Philippine Embassy sa Myanmar, nakikipagtulungan na rin sa iba pang mga Pinoy roon para madaling matunton ang mga naapektuhang OFW

Nanawagan ang Philippine Embassy sa Myanmar sa iba pang Pilipino roon na na makipag-ugnayan sa iba pang Overseas Filipino Workers o OFWs sa komunidad.

Layon nito na matiyak ang kanilang kaligtasan at para mapabilis ang pagbibigay ng tulong.

Ayon sa embahada, makatutulong din ito para makakuka sila ng tamang impormasyon sa kalagayan ng mga Pinoy na naapektuhan ng malakas na lindol.


Pinaaalalahan din ng Philippine Embassy ang mga Pilipino na manatiling kalmado at alerto sa mga nagaganap na aftershocks.

Pinapayuhan din ang mga apektadong Pinoy na makipag-ugnayan sa Embahada para sila ay mahatiran sila ng agarang tulong.

Facebook Comments