
Nagbabala ang Philippine Embassy sa New Zealand laban sa mga scam websites na nagpapanggap na facilitators ng Philippine eTravel Declaration Form.
Ayon sa embahada, ang naturang mga site ay nanghihingi ng bayad at personal na impormasyon, na maaaring mauwi sa iligal na singil at identity theft.
Pinapaalala ng embahada na maaaring mag-accomplish ng eTravel Declaration Form ang mga biyahero libre sa pamamagitan ng opisyal na website: https://etravel.gov.ph
.
Nilinaw din ng embahada na mayroong video instruction na puwedeng panoorin upang malaman kung paano maayos na punan ang eTravel Declaration Form.
Facebook Comments









