Philippine Embassy sa Oman, balik operasyon na

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Muscat na bukas na muli ang kanilang operasyon ngayong araw.

Ito ay matapos na pansamantalang magsara kahapon bilang pag-obserba sa Islamic New Year.

Samantala, patuloy ang repatriation efforts ng embahada sa mga Pilipino sa Oman na nais nang umuwi ng Pilipinas.


Sa harap ito ng pagpapalawig sa travel ban ng Pilipinas sa sampung mga bansa na may mataas na kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Kabilang dito ang Oman, Bangladesh, India, Indonesia, Malaysia, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Thailand at United Arab Emirates (UAE).

Facebook Comments