Philippine Embassy sa Oman, nagbabala sa publiko kaugnay ng scammers na gumagamit sa embahada

Nagbabala sa publiko ang Philippine Embassy sa Oman sa kumakakalat na scam mula sa pekeng Facebook o Messenger account kung saan ginagamit ang nagkukunwari ang embahada.

Sa abiso ng Philippine Embassy sa Oman, nilinaw nito na hindi sila gumagamit ng Messenger para magpakalat ng impormasyon.

Ayon sa embahada, tanging sa official website at Facebook page lang sila nagpo-post ng updates.


Pinayuhan ng embahada ang publiko na huwag paniwalaan ang mga mensahe sa pekeng account at huwag magbigay ng anumang personal na impormasyon.

Sa nasabing scam, may matatanggap na mensahe ang FB user mula sa nagpapakilalang Philippine Embassy sa Oman na nagpapasalamat at nagsasabing may reward na salapi ang user.

Kasama sa mensahe ang link na pinapa-click sa FB user para raw maiproseso at ma-claim ang prize nila mula sa embahada.

Facebook Comments