Philippine Embassy sa Oman, nagpalabas ng advisory kaugnay ng masamang panahon doon

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Oman ang mga Pilipino doon kaugnay ng nararanasang masamang panahon sa nasabing bansa.

Pinapayuhan ng embahada ang mga Pinoy na mag-ingat sa mga pagbaha at inaasahang malakas na hangin.

Pinatututok din ng Philippine Embassy ang Filipino community sa anunsyo ng Civil Aviation Authority ng Oman.


Una nang itinaas ang weather alert number 3 sa Sultanate ng Oman.

Facebook Comments