Philippine Embassy sa Poland, nakatutok sa kalagyan ng 380 Pinoy sa Ukraine

Nakipag-ugnayan na ang Philippine diplomats sa Warsaw, Poland sa sitwasyon ng halos 400 Pilipino sa Ukraine.

Inabisuhan ang mga ito na agad na tawagan ang embahada para sa kahit anong insidente sa kanilang lugar sa gitna ng report ng imminent Russian invasion.

Batay kasi sa mga opisyal ng US Government, posibleng umatake ang Russia sa Ukraine anumang araw.


Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs sa Philippine Embassy na patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga Pilipino sa Ukraine at Honorary Consulate General sa Kyiv.

Ang embahada ng Pilipinas sa Warsaw ay may hurisdiksyon sa Ukraine.

Facebook Comments