Philippine Embassy sa Qatar, mananatiling bukas sa kabila ng tensyon sa Doha

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Qatar na nananatiling ligtas ang Doha matapos ang sunod-sunod na pagsabog doon kahapon.

Partikular ang air strikes ng Israel sa residential area sa Doha kung saan nakatira ang lider ng Hamas militant group.

Nanindigan naman ang Philippine Embassy na walang Pilipinong nadamay sa pag-atake.

Tiniyak din ng embahada na mananatiling bukas ang kanilang operasyon mula 7:00 a.m. hanggang 3:00 p.m.

Gayunman, asahan na anila ang posibleng pagsasara ng ilang kalsada sa Doha at ang pagpapatupad ng heightened security ng mga awtoridad doon.

Kabilang sa maaapektuhan ng pagsasara ng kalsada ang ruta patungong Philippine Embassy dahil malapit ang embahada sa lugar ng mga pagsabog.

Patuloy namang pinapayuhan ang mga Pilipino sa Doha na manatiling vigilant at agad na tumawag sa embahada kapag kailangan ng tulong.

Facebook Comments