Philippine Embassy sa Qatar, nanawagan na rin para sa npaglayag Pinoy seafarers na bihag ng Houthi

Nanawagan na rin ang Philippine Embassy sa Qatar para sa pagpapalaya sa Filipino seafarers na bihag ng Houthi rebels.

Sa harap ito ng pagdiriwang ng 2024 International Day of the Seafarer.

Inalala rin ng embahada ang Pinoy seafarers na nasawi matapos ang pag-atake ng mga rebelde sa international shipping.


Una nang inamin ng Department of Migrant Workers (DMW) na wala pang linaw ang paglaya ng 17 Pilipinong tripulante ng MV Galaxy Leader na hinayjack ng Houthi sa Red Sea noong November 2023.

Facebook Comments