Philippine Embassy sa Riyadh, nagbukas ng 2 satellite office para maiwasan ang siksikan sa embahada

Nagbukas ang Philippine Embassy sa Riyadh ng dalawang annex offices para sa Overseas Filipino Workers o OFWs na may transaksyon.

Layon nito na maiwasan ang pagsisiksikan ng mga OFW sa embahada.

Partikular na binuksan ang VFS Global offices sa Riyadh at Al Khobar sa Eastern Region ng Saudi Arabia.


Nilinaw rin ng embahada na para sa mga kukuha ng police clearance o NBI clearance sa VFS Global offices, hindi na nila kailangan ng appointment.

Facebook Comments