Philippine Embassy sa Russia, inanunsyo na bukas na ang pagpasok sa Pilipinas ng mga turistang Ruso

Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Russia na bukas na ang Pilipinas sa mga turistang Russian.

Ayon sa Embahada, patuloy rin ang ugnayan ng Pilipinas at Russia hinggil sa pagkilala ng vaccine certificates ng dalawang bansa.

Kinumpirma rin ng Philippine Embassy na mas mapapadali na ang pagpasok sa Pilipinas ng mga turistang Ruso.


Ito ay dahil babawasan na sa mga susunod na linggo ang requirements para sa mga dayuhang turistang papasok sa Pilipinas.

Facebook Comments