Nag-abiso ang Philippine Embassy sa mga Pilipino sa Russia sa harap ng paghihigpit ngayon sa mga dayuhan doon.
Kasunod ito ng nangyaring pag-atake sa concert hall sa Moscow kung saan marami ang namatay at nasugatan.
Sa advisory ng Embahada, pinaalalahanan nito ang mga Pilipino sa Russia na tiyakin na kumpleto ang hawak nilang dokumento, tulad ng Philippine passport, valid work visa, at updated resident registration.
Partikular na naghigpit ang Russian government sa kanilang Immigration laws.
Una na ring nag-abiso sa kanilang citizens ang ilang dayuhang embahada sa Russia tulad ng Amerika na mag-ingat.
Ito ay dahil sa may ilang extremist groups daw ang nagbabalak na maghasik pa ng terorismo sa malalaking pagtitipon sa Moscow tulad ng concerts.
Facebook Comments