Philippine Embassy sa Russia, patuloy na nangangalap ng impormasyon kung may mga Pinoy na naapektuhan ng malakas na lindol kahapon

Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang Philippine Embassy sa Moscow at ang Philippine honorary consulate sa Vladivostok sakaling may mga Pilipinong mangangailangan ng tulong matapos ang malakas na lindol kahapon sa Russia.

Ito ay bagama’t hindi nagdulot ng malaking pinsala ang naturang lindol sa Kamchatka.

Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Igor Bailen, karamihan sa mga Pinoy sa Russia ay nakatira sa naturang lugar.

Pero wala naman aniya ngayon na mga Pilipino roon ang nanghihingi ng tulong sa embahada.

Patuloy naman na naka-monitor ang Philippine Embassy sa aftershocks ng lindol.

Una nang iniulat ng Russian authorities na walang namatay o malubhang nasaktan sa lindol, maliban lamang sa napinsalang gusali ng isang paaralan sa Kamchatka.

Facebook Comments