Thursday, January 22, 2026

Philippine Embassy sa Saudi Arabia, pinabulaanan ang report na may restrictions sa Umrah flights via Riyadh

Pinabulaanan ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na may restrictions sa Umrah flights via Riyadh.

Ayon sa abiso, naglabas na ng abiso hinggil dito ang Office of the Hajj Attaché at nilinaw na walang katotohanan sa nasabing report.

Maging ang Ministry of Hajj and Umrah at ang General Authority of Civil Aviation (GACA), ay naglabas na rin ng paglilinaw na walang umiiral na restriction sa Umrah flights papasok ng Riyadh.

Hinihimok din ang pilgrims na makipag-ugnayan lamang sa mga lisensyadong travel agencies at sa official channels ng Office of the Hajj Attaché at sa Philippine Consulate General in Jeddah.

Facebook Comments