Philippine Embassy sa Saudi Arabia, tuloy-tuloy ang pagtanggap ng OFWs na tumatawid mula sa Lebanon

Patuloy ang pagtanggap ng Philippine Embassy Team sa Saudi Arabia ng Overseas Filipino Workers o OFWs na tumatawid mula Lebanon.

Partikular na nag-a-assist sa mga lumilikas na OFWs ang emergency response team ng Philippine Embassy sa Riyadh at Migrant Workers Office – Riyadh (MWO-Riyadh).

Pinakahuling tinanggap ng team ang 9 distressed OFWs mula Lebanon.


Inasistihan din ng team ang OFWs sa pagproseso ng kanilang departure sa King Abdulaziz International Airport sa Riyadh.

Pinaghahandaan na rin ng Philippine Embassy ang sunud-sunod na pagtawid ng OFWs sa Saudi Arabia mula sa Lebanon.

Facebook Comments