Philippine Embassy sa Singapore, hindi na nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng OFW

Hindi nakapagtala ang Philippine Embassy sa Singapore ng mga Pilipino doon na bagong tinamaan ng COVID-19.

Bunga nito, nananatili sa 9 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa Singapore

616 naman ang kabuuang gumaling mula sa total cases na 625.


Sa kabila nito, mahigpit pa rin ang paalala ng Philippine Embassy sa Overseas Filipino Workers (OFWs) doon na iwasan pa ring magtungo sa mga matataong lugar bagama’t bahagya nang niluwagan ang health protocols doon.

Patuloy rin ang pagpapabakuna ng mga Pilipinong nakabase sa Singapore.

Facebook Comments