
Kinumpirma ng Philippine Embassy ang video na kumakalat online hinggil sa pagtatalo sa isang shopping mall sa Singapore , kung saan nauwi ito sa pambubugbog sa isang Pilipina ng isang lalaki na hindi pa matuloy ang citizenship
Ayon sa Embahada, natunton na ng Migrant Workers Office (MWO) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang biktima at tinutulungan na ito.
Tiniyak din ng Philippine Embassy na patuloy nilang mino-monitor ang kalagayan ng Pinay at may regular silang komunikasyon dito.
Tumanggi naman ang Philippine Embassy na tukuyin ang iba pang detalye sa insidente para hindi makaapekto sa sitwasyon.
Facebook Comments










