Philippine Embassy sa Singapore, nag-abiso sa bagong lokasyon na pagdadausan ng overseas voters registration

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Singapore sa mga Pilipino doon hinggil sa lokasyon na pagdadausan sa overseas voters registration.

Sa abiso ng Embahada, idadaos ang pagpapatala sa kanilang temporary office sa 16th Floor, Triple One Somerset.

Inaabisuhan din ang lahat ng kwalipikadong Filipino citizens sa Singapore na hindi registered overseas voters na magpa-book ng kanilang appointment online.


Magsisimula ang overseas voters registration sa Lunes, December 12, 2022 hanggang September 30, 2024.

Facebook Comments