
Nagbabala ang Philippine Embassy sa Singapore na iligal ang pag-hire ng mga dayuhang freelancers doon para sa creative services sa mga kliyente doon.
Ayon sa embahada, ito ay labag sa ilang probisyon ng Employment of Foreign Manpower Act (EFMA) ng Singapore.
Sakop nito ang videography, make-up services para sa mga kasal sa Singapore at iba pa.
Ipinaalala ng Philippine Embassy na ang foreign nationals na may tourist o student visas ay bawal magtrabaho sa Singapore.
Nilinaw din ng embahada na ang Training Employment Permits (TEPs) ay hindi maituturing na work permits at para lamang ito sa short-term executive training.
Mahaharap anila sa penalty ang mga kumpanya sa Singapore na lalabag sa nasabing batas.
Habang ang foreign nationals na iligal na nagtatrabaho nang walang balidong visa ay pagmumultahin ng SGD 20,000 at pagkakabilanggo ng hanggang dalawang taon, bukod sa hindi na makakatapak ng Singapore kailanman.









