Philippine Embassy sa Singapore, puspusan na rin ang pagpapa-alala sa mga Pinoy para sa voters’ registration

Nagpapa-alala na rin ang Philippine Embassy sa Singapore para sa nalalabing 90 araw para sa voters’ registration.

Ayon sa embahada, ito na ang pagkakataon para makapili ang mga Pinoy sa Singapore ng nais nilang susunod na pangulo ng bansa at mga opisyal ng gobyerno.

Maaari din anilang isabay ang pagpaparehistro sa kanilang appointment sa iba pang labor o consular services.


Maaari ding magpa-book ng appointment via online sa pamamagitan ng link na ibinigay ng embahada.

Samantala, mahigpit pa rin ang paalala ng Philippine Embassy sa mga Pinoy sa Singapore na panatilihin ang pagsunod sa pinaiiral na health protocols doon.

Facebook Comments