
Pinapayuhan ng Philippine Embassy sa Seoul ang mga Pilipinong mamamasyal sa South Korea na kumuha ng travel insurance.
Ito ay upang may magamit sila para sa medical emergency services, financial protection, at logistical support sa kanilang pamamasyal.
Pinaalalahanan din ng embahada ang mga Pinoy na magto-tour sa South Korea na maging maingat.
Sa harap ito ng matinding lamig na nararanasan ngayon sa nasabing bansa.
Facebook Comments










