Philippine Embassy sa Switzerland, patuloy na nakikipag-ugnayan sa Swiss authorities kaugnay ng sunog sa Crans-Montana

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Switzerland na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Switzerland upang alamin kung may mga Pilipinong nadamay sa malaking sunog sa isang bar sa Crans-Montana nitong Bagong Taon.

Ayon sa embahada, patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon at beripikasyon ng mga biktima.

Pinapayuhan ng Philippine Embassy ang mga Pilipinong posibleng naapektuhan ng insidente na agad makipag-ugnayan sa kanila.

Hinimok din ang Filipino community na ipagbigay-alam sa mga hotline ng embahada sakaling may nalalaman silang Pilipinong nadamay sa trahedya.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Philippine Embassy sa mga pamilya ng mga nasawi.

Batay sa mga ulat, 40 ang nasawi at 119 ang nasugatan sa nasabing sunog.

Facebook Comments