Philippine Embassy sa Tel Aviv, inanunsyo ang pagbaba ng security alert sa ilang lugar sa Israel

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Tel Aviv hinggil sa pagbaba ng Home Front Command (HFC) sa Green Alert Level mula sa dating Yellow Alert Level sa ilang lugar sa Israel.

Kabilang dito ang sa Upper Galilee, Lower Galilee, Center Galilee, Beit Shean Valley, HaAmakim, Haifa Bay, HaCarmel, Wadi Ara, Menashe, Sharon, at Dan Area.

Patuloy naman na ipinapatupad ang Yellow Alert Level sa mga lugar na malapit sa confrontation line, North Golan, South Golan (maliban sa ilang mga pook sa Emek HaYarden Regional Council).


Sa ilalim ng green alert, pinapayagan na ang pagtitipon-tipon basta’t hindi lalagpas sa mahigit isang libo katao.

Sa kabila nito, pinapayuhan pa rin ng embahada ang mga Pinoy sa Israel na manatiling alerto.

Facebook Comments