Philippine Embassy sa Tel Aviv, may abiso sa mga Pinoy na nais maging caregiver sa Israel

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa Israel bilang caregiver.

Ayon sa embahada, dapat hindi pa nakapagtrabaho sa nasabing bansa ang nais pumasok doong caregiver.

Dapat din anilang walang kamag-anak na nagtatrabaho doon at dapat ay high school graduate.


Kailangan ding ang edad ay 23 pataas, may TESDA NCII certification at kailangang lumahok sa online recruitment training.

Pinayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na nais magtrabaho sa Israel bilang caregiver na magparehistro online sa POEA at sumailalim sa 760 hours na training.

Facebook Comments