Philippine Embassy sa Tel Aviv, naglabas ng advisory hinggil sa heat wave sa Israel

Pinag-iingat ng Philippine Embassy ang Filipino Community sa Israel sa nararanasang matinding init sa nasabing bansa.

Kasunod ito ng orange warning na inilabas ng Israel Meteorological Service hinggil sa mararanasang extreme high temperatures sa Israel.

Kabilang dito ang Gush Dan region, na makararanas ng matinding init hanggang bukas, August 14.

Pinapayuhan ng Philippine Embassy ang mga Pinoy roon lalo na ang mga nagtatrabaho sa labas ng mga gusali o tahanan na pag-ibayuhin ang kanilang pag-iingat.

Hinihimok din ng embahada ang Filipino community na mag-antabay sa heat wave alerts at regional weather warnings ng pamahalaan ng Israel.

Facebook Comments