Philippine Embassy sa Tel Aviv, pinaghahandaan na ang posibleng mass evacuation sa mga Pinoy doon

Nakipagpulong na si Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr., sa management ng Ben Gurion International Airport (BGIA).

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng malawakang paglilikas sa mga Pinoy sa Israel sa harap ng giyera ng Iran at Israel.

Kabilang din sa napag-usapan ang kahandaan ng airport sa mass evacuation at ang requirements sa paglilikas sa mga Pinoy doon sakaling lalo pang lumala ang tensyon.


Katuwang din ng Philippine Embassy team ang mga tauhan ng Migrant Workers Office sa Israel.

Facebook Comments