Philippine Embassy sa Tel Aviv, sarado muna kasunod ng pag-atake ng grupong ‘Hamas’ sa Israel

PHOTO: Reuters

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel, na sarado muna ang kanilang tanggapan simula ngayong araw bunsod ng kasalukuyang security situation sa bansa.

Kahapon, inabisuhan ng embaha ang mga Pilipino sa Israel na maging maingat kasunod ng mga pag-atake ng Palestinian Islamist group na Hamas sa bansa at ang pagdeklara ng state of war alert ng Home Front Command ng Israel.

Batay sa ulat ng Reuters, sinalakay ng mga armadong lalaki ang mga bayan sa Israel habang nagpakawala ang Hamas ng mga rocket mula sa Gaza strip.


Nagresulta ito sa pagkasawi ng 250 sibiliyan at 230 namang indibiwal sa panig ng Gaza Palestinian nang gumanti ang Israel.

Ito na ang pinakamadugong karahasan sa Israel matapos ang Yom Kippur War noong 1973.

Facebook Comments