Philippine Embassy sa Thailand, nakipag-ugnayan na sa local officials doon kaugnay ng kaso ng mga Pinoy na biktima ng human trafficking

Nakipagpulong na si Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz Paredes sa mga lokal na opisyal sa Thailand kaugnay ng kaso ng mga Pilipino doon na biktima ng human trafficking.

Partikular na sa Mueang Tak Province kung saan dinadala ang mga Pinoy na na-recruit ng human traffickers.

Karamihan kasi sa mga na-recruit na mga Pilipino na pinangakuan ng magandang sweldo ay pinasok sa illegal casinos at scamming operations sa Thailand.


Nakipagpulong na rin si Ambassador Paredes sa Thai Immigration para mapabilis ang pagresolba sa kaso ng distressed Filipinos sa Thailand.

Samantala, tumaas naman ang bilang ng Overseas Filipinos na nagtatrabaho sa nasabing bansa bilang mga guro, volunteers, at garment factory employees.

Facebook Comments