Nakipagpulong si Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz Paredes sa mga lokal na opisyal ng Chiang Rai Province sa Thailand.
Kaugnay ito ng kalagayan at pangangailangan ng ilang Pilipinong manggagawa sa lalawigan.
Pinag-usapan din ang hinggil sa kaso ng mga Pilipinong biktima ng human trafficking na tumatawid sa mga karatig na bansa ng Thailand.
Mula Thailand kasi ay tumatawid ang mga Pinoy na biktima ng human trafficking patungo ng Myanmar at Laos o ang tri-border ng Thailand, Myanmar, at Laos.
Tiniyak naman ng Thai Government na nakaalerto ang kanilang mga awtoridad hinggil dito.
Facebook Comments