Tuesday, February 10, 2026

Philippine Embassy sa Tokyo, kinumpirma ang tumataas na demand sa nurses sa Japan

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano ang tumataas na demand ng nurses sa Japan.

Sa harap ito ng tumataas na bilang ng nakatatandang populasyon sa Japan.

Ayon kay Ambassador Albano, ang Filipino value ng “malasakit” ang nagugustuhan ng mga dayuhan sa Filipino health care workers at sa caregivers.

Isang hamon din aniya rito ang mataas na demand sa caregivers gayundin ang requirements para sa Japanese language proficiency.

Sa ngayon, patuloy ang pagsasanay sa Filipino nurses sa iba’t ibang lalawigan sa bansa para sa deployment sa abroad tulad ng Japan.

Facebook Comments