
Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Japan sa mga Pilipino doon kaugnay ng national flu alert na ideneklara ng Japanese government.
Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng influenza sa Japan.
Pinaalalahanan ng embahada ang mga Pinoy doon na maging maingat sa kanilang paligid at kalusugan.
At kapag nakararanas ng mga sintomas na lumulubha o hindi gumagaling, magtungo agad sa doktor o pinakamalapit na medical facility.
Pinapayuhan naman ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na magbibiyahe patungong Japan na kumuha ng travel insurance para sa posibleng pangangailangang medikal.
Facebook Comments









