Philippine Embassy sa Tokyo, nagbabala sa pagtaas ng kaso ng influenza sa Japan

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Tokyo sa tumataas na kaso ng trangkaso o influenza sa Japan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng embahada ang mga Pinoy sa nasabing bansa na magsuot ng face mask na sa matataong lugar.

Dapat ding ugaliing maghugas ng mga kamay, magtakip ng bibig kapag umuubo at sundin
ang abiso ng mga kinauukulan.

Sa mga bibiyahe naman patungong Japan, ipinapayo ng Philippine Embassy na tiyaking may travel insurance sila para sa mga posibleng pangangailangang medikal.

Facebook Comments