Philippine Embassy sa Tokyo, tiniyak na natutugunan ang pangangalangan ng mahigit 500 pinoy na sakay ng naka-quarantine na cruise ship sa Japan

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Tokyo ang kanilang pagtutok sa pangangailangan ng 538 na Filipino na sakay ng Diamond Princess Cruise Ship na naka-quarantine sa port sa Yokohama, Japan.

Sampu sa mga sakay ng barko ay positibo sa Novel Coronavirus (nCoV) kabilang na ang isang Pinoy.

Ayon sa Philippine Embassy, masusi ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Japanese authorities matiyak na naibibigay ang pangangailangan ng mga sakay na Pilipino.


Sa ngayon ay nasa health care facility na sa nasabing bansa ang Pinoy na nagpositibo sa nCoV.

Regular din ang pakikipagkomunikasyon ng Philippine Embassy officials sa iba pang mga Pinoy na naka-quarantine sa barko.

Facebook Comments