Philippine Embassy sa Turkey, may mga Pinoy pang tinutunton kaugnay ng pagtama ng malakas na lindol doon

Nagsimula na ang Philippine Embassy sa Turkey na suyurin ang mga lugar doon na naapektuhan ng malakas na lindol.

Sa ngayon kasi ay may mga Pilipino pang hindi ma-contact ang embahada.

Patuloy rin ang paglilikas ng embahada sa mga Pinoy na kabilang sa mga napinsala ang tirahan.


Bukod sa mga pagkain at iba pang pangangailangan, binigyan na rin sila ng cash assistance ng embahada.

Tumutulong na rin ang Filipino community leaders mula sa iba’t ibang lugar sa Turkey, sa pagtunton sa mga Pinoy na hindi pa maka-contact ng embahada.

Kinumpirma naman ng Philippine Embassy na nakausap na ng kanilang team ang ilang mga Pinoy na naapektuhan ng lindol mula sa Adana at Iskenderun.

Sa ngayon, nananatili sa dalawa ang bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa lindol sa Turkey.

Facebook Comments