Philippine Embassy sa US, walang naitalang nadamay na Pinoy sa Fourth of July parade shooting sa Chicago

Inihayag ng Philippine Embassy sa Amerika na walang pinoy ang nadamay sa madugong Fourth of July parade shooting incident sa Chicago na ikinasawi ng anim na katao at nag-iwan ng 30 sugatan.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na wala pa silang natatanggap na impormasyon mula sa mga otoridad na may Pinoy na kasama sa mga nasawi o nasaktan sa nangyaring pamamaril sa Highland Park.

Tinatayang nasa halos 300,000 Pinoy ang naninirahan sa Illionois kung saan sakop nito ang Chicago.


Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Embaha sa mga otoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring trahedya.

Facebook Comments