Philippine Embassy sa Washington, D.C., nagpaalala: J-1 visa hindi maaaring gamitin para sa U.S. citizenship

Nilinaw ng Philippine Embassy sa Washington, D.C., USA na ang J-1 Exchange Visitor Program visa ay isang temporary at non-immigrant visa lamang.

Ayon sa embahada, ang J-1 visa ay hindi maaaring gamitin bilang employment o work visa dahil ito ay eksklusibong para sa cultural exchange.

Pinaalalahanan din ang mga Filipino teachers na ang kanilang paglahok sa J-1 Exchange Visitor Program ay hindi maaaring maging daan para sa U.S. permanent residency o citizenship.

Ipinaalala rin ng embahada na sa ilalim ng J-1 visa, obligadong bumalik sa Pilipinas ang mga guro matapos makumpleto ang programa.

Nagbabala ang Philippine Embassy na ang pag-overstay sa Estados Unidos ay isang seryosong paglabag sa U.S. immigration law, na maaaring magresulta sa deportation at pangmatagalang travel ban.

Kinumpirma rin ng embahada na nakakatanggap sila ng mga ulat hinggil sa illegal recruiters na nagpapanggap bilang immigration lawyers at humihingi ng malaking halaga ng pera kapalit ng pekeng alok ng U.S. permanent residency o citizenship gamit ang J-1 program.

Facebook Comments