
Ikinalugod ng Philippine Embassy sa Washington, DC ang desisyon ng US Court na makapagpiyansa ang Pinay green card holder na si Lewelyn Dixon.
Ang 64 taong gulang na si Dixon ay tatlong buwan na ikinulong sa US pagbalik niya doon matapos ang bakasyon sa Pilipinas.
Sinasabing may kinalaman ito sa pagkaka-convict sa kanyang sa Amerika noong 2001 dahil sa nonviolent criminal offense na bank embezzlement.
Tiniyak naman ng Philippine Consulate General sa San Francisco, California na patuloy ang kanilang pagbibigay ng consular assistance sa nasabing Pinay para matiyak na mapoprotektahan ang kanyang karapatan habang patuloy na nililitis ang kanyang kaso.
Si Dixon ay nagta-trabaho bilang laboratory technician sa University of Washington Medical Center.









