
Naghahanda ang Philippine Embassy sa Yangon ng repatriation sa mga Pilipinong naapektuhan ng malakas na lindol sa Myanmar.
Gayunman, sa ngayon ay punuan pa aniya ang flights sa mga paliparan sa Myanmar.
Dahil dito, sinabi ng Philippine Embassy na posibleng gumamit sila ng C-130 aircraft sa pag-repatriate sa mga Pinoy na nais umuwi ng Pilipinas.
Simula ngayong araw nagbukas na ng listahan ang Embahada para sa mga Pinoy roon na nais nang umuwi ng Pilipinas.
Sa ngayon, nagbibigay muna ang Philippine Embassy ng financial assistance sa mga Pinoy na naapektuhan ng lindol sa Myanmar.
Facebook Comments