
Sinisikap ng Department of Energy (DOE) na ilabas sa susunod na taon ang Philippine Energy Plan.
Ayon sa DOE, hindi naman babaguhin ang kasalukuyang balangkas ng Energy Plan pero idaragdag dito ang mga plano, estratehiya at iba pang hakbang upang matulungan ang ahensiya na makamit ang kanilang target.
Kabilang sa mga tututukan ay ang pataasin ang bahagi ng renewable energy sa power generation mix, ang pagbuo ng mga alternatibong gasolina sa umuusbong na paggamit ng enerhiya, ang pag-utilize ng advanced technology para sa smart grid at pagtataguyod ng isang makakalikasan at climate-proof na energy infrastructure.
Facebook Comments