PHILIPPINE EXPORTERS CONFEDERATION | Dating Pangulong Fidel V. Ramos, hindi na iimbitahan sa imbestigasyon ng kamara

Manila, Philippines – Hindi iimbitahan si dating Pangulong Fidel V. Ramos para dumalo sa imbestigasyon ng kamara ukol sa pagpaupa ng 7.5 billion peso na limang ektaryang lupa ng gobyerno sa halagang isang libong piso kada taon.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, inatasan niya ang house committee on good government na huwag nang hilingin ang pagtetestigo ni Ramos sa kontrobersiya.

Itinanggi rin ni alvarez na nagkomento siya sa isyu at iginiit na nananatili siyang patas sa imbestigasyon kaugnay sa kakarampot na upa ng philippine exporters confederation inc.


Una nang sinabi ni Eastern Samar Representative Ben Evardone na hindi na kailangang humarap ng dating punong ehekutibo.

Facebook Comments