
Naka-display na sa mga pampublikong lugar ang pambansang Watawat ng Pilipinas ngayong National Heroes’ Day.
Ito’y alinsunod sa Republic Act no. 9492 sa pamamagitan ng Memorandum Circular 2025-085 kung saan inaatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tiyaking nakapwesto ng maayos ang Philippine flag na sumissimbulo sa “pagkakaisa o bayanihan” ng bawat pilipino.
May temang “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan” na katatampukan ng katapangan at kalayaan.
Una nang nanawagan ang ahensya sa samabyabang Pilipino na panatilihin ang paman ng “bayaning buhay” sa pamamagitan ng serbisyo at pagmamahal sa bansa.
Samantala, Inaasahan naman mamaya ang kaliwa’t kanang kilos protesta ng iba’t ibang produktibong grupo ngayong National Heroes’ day.
Bukod dito, magkakasa naman ang mga lokal na pamahalaan ng job fair sa mga nais na magkaroon ng trabaho ngayong holiday.









