Lumipat na ang Philippine Fleet sa kaniyang bagong pasilidad na dating Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines (HHIC-Phil) Shipyard sa Subic.
Pinangunahan ni Philippine Fleet Commander Rear Adm. Nichols Driz ang “symbolic docking” nitong Martes ng BRP Antonio Luna (FF151) sa bagong Naval Operating Base (NOB) sa Subic na umookopa sa hilagang bahagi ng dating Hanjin Shipyard.
Ito’y matapos na maaprubahan ang “lease agreement” ng Philippine Navy para sa 250 acre mula sa 700 acre ng shipyard.
Ang bagong Naval Operations Base Subic na magsisilbing daungan ng mga fleet marine units, ay kumpleto sa “maintenance and replenishment facilities” na pang-suporta sa “operational requirements” ng mga bago at paparating na barko ng Philippine Navy.