Philippine Fleet nag-deploy ng 5 barkong pang-patrolya ilan dito tututok sa Eastern Seaboard kung saan nakarekober ng cocaine

Nag-deploy ang Philippine Fleet ng limang barkong pang-patrolya mula sa Naval Base Cavite, sangley point, nitong Lunes.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Captain Jonathan Zata, ang limang barko ay ideneploy sa mga Naval Operation Forces sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ilan din aniya sa mga barkong ito ay tututok sa pag-papatrolya sa Eastern Seaboard kung saan nakakarekober ng mga cocaine.


Kahapon sinabi ni Police Colonel Bernard Banac na umabot na sa halos isang bilyong piso halaga ng cocaine ang narekober simula noong February 10, 2019.

Ang limang barkong ay ang BRP Manuel Gomez (PC-388), BRP Heracleo Alano (PC-376), BRP Tausug (LC-295), BRP Subanon (LC-291) at BRP Bacolod City (LS-550)

Sumailalim ang mga barkong ito sa “dry-docking at iba pang pagsasaayos sa Naval Shipyard sa Fort San Felipe, Cavite City.
Sinabi naman ni Philippine Fleet Commander, Rear Admiral Danilo R. Rodelas na ang deployment ng limang barko ay mahalagang bahagi ng Maritime Patrol Operations, Internal Security Operations At Logistics Support Missions ng Philippine Navy.

Facebook Comments