Nakatakdang magtapos ngayong araw ang 3-day Philippine fleet unilateral exercise sa Subic, Zambales.
Nakilahok sa pagsasanay ang iba’t ibang air at sea assets ng Philippine Navy na umarangkada noong Agosto 27.
Ayon kay PF Public Affairs Office Chief Lt. Giovanni Badidles, layon ng pagsasanay na mapahusay ang interoperability ng mga Offshore Combat Force capital ship tulad ng Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Jose Rizal, at BRP Antonio Luna; kasama ang Fleet air assets tulad ng AW-159 (anti-submarine) helicopter at Beechcraft TC-90.
Sinabi naman ni OCF Acting Commander Captain Joselito De Guzman na nasubukan sa pagsasanay ang mga kasalukuyang doktrinang pandigma, at mga bagong kapabilidad pagdating sa multi-dimensional warfare, upang maka-buo ng mga bagong teknik, taktika, at proseso sa naval operations.