PHILIPPINE FOOTBALL LEAGUE | FC Meralco Manila, hindi na maglalaro sa Season 2

PFL – Ginulat ng FC Meralco manila ang Philippine Football fans matapos i-anunsyo ang paghinto ng kanilang operasyon.

Ito ay matapos nilang i-post sa kanilang Facebook page ang balita sa paghinto ng operations ng koponan.

Batay sa post hindi naging madali para sa kanila na ipagpatuloy pa ang organisasyon dahil sa bigo silang makahanap ng bagong investors.


Sa kabila ng kanilang tinamasang tagumpay sa nakaraang 2017 Philippine Football League, hindi na lalahok sa ikalawang season ang team.

Dahil dito, humingi ng paumanhin ang FC Meralco at nagpasalamat sa kanilang mga fans sa natanggap nilang suporta sa loob ng pitong taon.

Facebook Comments