Philippine General Hospital, nilinaw na wala silang outbreak ng COVID-19 Delta variant matapos makapagtala ng 21 kaso

Sa kabila ng naitalang 21 na kaso ng Delta variant na sinuri at naka-admit ang ilan sa Philippine General Hospital (PGH) ay nilinaw nila na wala pa silang outbreak.

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, anim sa 21 pasyente ang nagpa-confine sa ospital habang ang natitira ay nagpa-COVID-19 test lamang.

Kasunod nito, sinabi pa ni Del Rosario na isa na lamang ang nananatiling aktibo, apat ang gumaling na at dalawa ang namatay.


Mula noong Lunes, Hulyo 26 ay naka-heightened alert na ang PGH na tatagal hanggang Agosto 31.

Facebook Comments