Philippine Genome Center, pinawi ang pangamba ng publiko tungkol sa bagong variant ng COVID-19 na hindi umano nade-detect ng RT-PCR test

Hindi dapat mabahala ang publiko sa bagong variant ng COVID-19 na nadiskubre sa France.

Ito ang inihayag ni Philippine Genome Center (PCG) Executive Director Cynthia Saloma kasabay ng ulat na hindi umano nade-detect ng RT-PCR test ang nasabing variant.

Paliwanag ni Saloma, maraming RT-PCR test kits ang bansa na ang target ay ang iba’t ibang klase ng genes.


Kumpiyansa rin ang PGC sa kakayanan at bisa ng COVID-19 test sa bansa.

Samantala, sinang-ayunan naman ng Department of Health ang pahayag ng PGC.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kailangan muna nitong sumailalim sa genome sequencing pero sa ngayon ay maituturing itong variant of interest at hindi variant of concern na mas nakakahawa tulad ng United Kingdom (UK) variant ng Coronavirus.

Sa ngayon, hinihintay pa aniya ng DOH ang abiso ng World Health Organization (WHO) at Global Initiative on Sharing All Influenza Data para sa iba pang impormasyon tungkol sa napaulat na variant.

Facebook Comments