Kada linggo halos 1,200 samples ng suspected COVID-19 cases ang sinusuri ng Philippine Genome Center.
Ito ang sinabi ni Dr. Cynthia Saloma, Executive Director ng Philippine Genome Center sa Laging Handa briefing.
Ayon kay Dr. Saloma, sa kanilang tanggapan sa Diliman sa Quezon City, nakakapagtala sila ng 750 kada linggo ng samples na sumasailalim sa sequencing, habang 300 kada linggo sa Visayas at 100 kada linggo sa Mindanao.
Habang mayroon din aniyang sinusuring samples sa RITM.
Ibig sabihin aniya nito tumataas ang nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19 at nagpopositibo.
Pero inihayag ni Dr. Saloma na wala pang naitatalang variant ng BA.2.75 sa bansa, karamihan ng mga nagpositibo ay sa BA.5 variant na umaabot sa 85 percent.
Sa huli panawagan ni Saloma sa publiko na manatiling sumunod sa mga health protocols para makaiwas sa COVID-19.