Philippine Genome Center wala pang nade- detect na COVID-19 Mu variant sa bansa

Inihayag ng Philippine Genome Center (PGC) na sa higit labindalawang libong samples na kanilang nasesequence ay wala pa silang nadedetek na COVID-19 Mu variant sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Cynthia Saloma ng Philippine Genome Center na majority pa rin ng mga samples na kanilang nasusuri ay Delta variant partikular na sa Metro Manila at Calabarzon.

Pero hindi pa rin dapat na magpakampante lalo pa’t nagpapatuloy ang community transmission ng Delta variant.


Ayon kay Dra. Saloma, unang na-detect ang Mu variant sa Columbia nitong January 2021 kung saan 39% ng mga naitatalang kaso rito ay dulot ng Mu variant.

Sa ngayon ani Saloma, na-detect na ang Mu variant sa 43 mga bansa sa buong mundo.

Una nang isinama ng World Health Organization (WHO) ang Mu COVID-19 variant bilang variant of interest.

Facebook Comments