Philippine Genome Centre, nilinaw na wala pang nade-detect na Brazilian variant sa bansa

Wala pang nade-detect na Brazilian variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Eva Maria Cutiongco dela Paz, Health Program Director ng UP Philippine Genome Center na tanging Brazilian lineage ang mayroon sa bansa.

Paliwanag nito, ang Brazilian lineage ay sub-type ng virus na galing sa isang common ancestor.


Habang ang variant naman ay tumutukoy sa iba’t ibang pamilya o angkan na nagsanga at nakaipon ng mutations na maaaring hindi katulad ng pinanggalingan ng main family line na kapag nakaipon ng significant mutations ay natatawag na variant.

Binigyang diin ni dela Paz na para maiwasang magkaroon ng mutations ng virus, kailangang mapigilan o mapababa ang mga kaso ng COVID-19 para hindi sila mabigyan ng pagkakataong dumami at magbago ng anyo.

Facebook Comments